Administrative case isinampa ng mag-ina vs barangay captain

Nagsampa ng kasong administratibo ang isang mag-ina laban sa isang barangay captain sa tanggapan ng Sangguniang Panglungsod ng Pamahalaang Panglungsod ng Malolos sa Bulacan.

Nahaharap sa mga kasong grave misconduct in office, gross neglect of duty, at abuse of authority dahil sa paglabag sa Republic Act 7160 at RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) si Chairman Lolita Gatchalian ng Barangay Balite, City of Malolos.

Ito ay isinampa noong Marso 10, 2025 ng mag-inang Lilia Capule at anak nito na si Joseph Dominic, kapwa residente ng St. Mary’s St., Balite, City of Malolos.

Nag-ugat ang mga reklamo kay Chairman Gatchalian makaraang mabigo umano ito sa mga tungkulin na dapat siya ang gumaganap at sa halip ay ang kaniyang barangay secretary ang pinagaganap.

Base pa sa 12-pahinang complaint affidavit ng mag-ina, naging bias din umano si Gatchalian dahil sa pagbalewala nito sa kanilang mga reklamo sa barangay noong June at July 2024 at anila’y bigong maglabas ng ‘summons’ at certificate to file action (CFA).

Bilang patunay sa mga alegasyon ay mayroon mga dokumento ang mga complainants na nagpapatunay na hindi si Chairman Gatchalian ang nakalagda sa mga issued documents mula sa barangay.

Bigo rin umanong humarap sa mga patawag na pagdinig si Gatchalian kung saan ilan beses na dinadahilan nito ayon sa kaniyang barangay secretary na si Lourdes Descarial ay “not feeling well” ang kapitan.

Giit ng mga Capule, dapat anila mag file ng leave of absence ang kapitan kung masama ang pakiramdam at hindi magagagmpanan ang tungkulin.

Nabatid pa na may mga pagkakataon umano na ang barangay secretary ang tumatayong presiding officer sa mga isinasagawang pagdinig kung saan ang papel lamang nito ay i-tala ang minutes ng pagpupulong.

“Barangay Chairman Lolita Gatchalian should be held liable for gross neglect of duty for her failure to administer and preside the barangay conciliation proceedings,” wika ng complainants.

“She (Gatchalian) grossly neglected her duties and abused her authority when she intentionally declined our request for the issuance of a certificate to file action (CFA),” nakasaad sa affidavit.

Sinubukan naman makuha ang panig ni Gatchalian subalit ayon kay Secretary Descarial, hindi muna makapagbibigay ng pahayag ukol dito si Chairman Gatchalian dahil wala pa sila natatanggap na kopya ng complaint.

“As of the moment wala parin po kasi akong narereceive na advice Kay Kap kung may copy na sya ng nasabing complaint. How can she give her side/feedback kung hindi pa po nababasa ang complaint?,” ayon sa text message ni Descarial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews