A&E Test 2016, simula na sa Nobyembre

Sa darating na Nobyembre 19 at 26, maaari nang kumuha ng Accreditation & Equivalency (A&E) Test ang mga 2016 completers ng Alternative Learning System (ALS) at iba pang mga kwalipikadong aplikante na nagpapa-rehistro sa kani-kanilang mga school division offices (SDOs) o district offices (DOs) mula Oktubre 2 hanggang 25.
Alinsunod sa inilabas na Department Memorandum (DM) No. 164, series 2017 (Accreditation and Equivalency Test Registration and Administration) noong Oktubre 18, maaaring magpa-rehistro at kumuha ng pagsusulit ang mga sumusunod:
            1. Mga mag-aaral ng ALS at Non-Formal Education programs
                        a. Mga nagtapos ng 2016 ALS Program
                        b. Nagtapos ng ALS Program ngunit hindi pumasa sa nakaraang A&E Test
                        c. Nagtapos ng ALS Program ngunit hindi pa kumuha/nakakuha ng nakaraang    A&E Test
            2. Mga out-of-school children and youth na handa nang kumuha ng assessment
            3. Mga nasa legal na edad na nangangailangan ng Certificate of Learning
Nais ding ipabatid ng DepEd na hindi kailangang magmadali ang mga 2017 ALS learners na makakuha ng A&E ngayong taon dahil magkakaroon pa rin ng A&E Test para sa 2017 sa susunod na taon. Subalit kung kumpleto na ng 2017 ALS learner ang kanyang individual learning agreement (ILA) ay maaari na rin silang kumuha ng assessment.
Para sa karagdagang impormasyon at paglilinaw, maaaring basahin ang DM 164 sahttp://www.deped.gov.ph/sites/ default/files/memo/2017/DM_ s2017_169.pdf, o di kaya’y magtanong sa inyong mga schools division superintendent (SDS), tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa numerong (02) 631 2589, o pumunta sa Facebook Page na DepEd Philippines.
WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews