
Mariveles, Bataan – Isang masiglang umaga ang sinalubong ng mga kawani mula sa Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), mga FAB-Registered Enterprises, LGU Mariveles, volunteers, at iba’t ibang ahensya bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up (ICC) Day 2025 noong Sabado, 20 Setyembre 2025, sa Agwawan Beach, Barangay Sisiman, at Zigzag, Mariveles, Bataan.

Taon-taon, nakikiisa ang AFAB sa pandaigdigang inisyatibong ito bilang pagpapakita ng malasakit hindi lamang sa kalikasan, kundi pati na rin sa mga komunidad sa paligid ng Freeport Area of Bataan. Bilang pangunahing sentro ng negosyo at industriya sa lalawigan, binibigyang-diin ng AFAB na ang tunay na kaunlaran ay nakabatay hindi lamang sa paglago ng negosyo kundi pati sa pangangalaga ng kapaligiran.


Muling ipinakita ng AFAB ang kahalagahan ng ganitong inisyatiba bilang bahagi ng kanilang pangako na isulong ang balanseng ugnayan ng negosyo, komunidad, at kalikasan sa loob at paligid ng FAB.
#WEareAFAB

