‘Akay ng Ina’ community pantry isinagawa sa Hermosa

Pinangunahan ni Hermosa First Lady, Atty. Anne Adorable-Inton ang isinagawang “Alay ng Ina community pantry” sa Sitio Parapal Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan nitong Biernes, Mayo 7, 2021.

Nakasama ni Atty. Anne sina Municipal Councilor Luz Jorge Samaniego, Rotary Club of Freeport Zone sa pangunguna ni President and Palihan Councilor Jess Garcia, ABC Kapitan Roberto Rosel, PNP Hermosa, St. Peter Martyr of Verona Parish representative Jelo David, at mga Ina ng Hermosa members and officers.

Ang mga pinamahagi ng grupo sa anila ay munting community pantry, ay nagmula sa mga naipong tulong mula kay Hermosa Mayor Jopet Inton, Rotary Club of Freeport Zone at sa suporta na rin ng St. Peter Martyr of Verona Parish.

“Espesyal na pasasalamat para sa ating mga officers at members ng INA ng HERMOSA na nag-alay ng oras at pagod para magbake ng ating mga pinamigay na tinapay at sa mga overall officers na tumulong sa pagrepack at pagdistribute ng ating mga munting alay ng ina packs,” pahayag ni Atty. Anne Inton.

Ang kada alay ng ina pack na ipinamahagi ay naglalaman ng toyo, suka, 2 delatang corned beef, 2 kilong bigas, 2 beef noodles, at mantika. Nabigyan din ng isang pack na tinapay ang bawat tao. 

Sa kabuuan, nakapamigay ang naturang women’s group ng 250 ‘Alay ng Ina packs’ para sa naturang lugar.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews