HINDI umano ang matrimonya ng kasal ang kailangan ng lesbians, gays, bisexuals at transgenders (LGBTs) kundi ang legal na pagkilala ng pamahalaan sa pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan anuman ang kasarian ng mga ito lalaki sa lalaki o babae sa babae.
Ito ang pahayag ni Bagumbayan senatorial candidate at dating Interior and Local Government Secretary Rafael “Raffy” Alunan III kaugnay ng tanong sa isang mainstream media forum hinggil sa usapin ng same sex marriage.
Aniya, hindi naman dapat nagiging malaking isyu ang usapin sa pagkilala ng pamahalaan sa pagsasama ng LGBTs, kung tutuusin mas marami pa ngang dapat pagtuunan ng pansin ang media na mas malalaking problema ng bansa tulad ng kakulangan sa patriotismo at disiplina ng mamamayan; patuloy na korapsyon, kawalan ng hustisya, kahirapan, rebelyon at paglaganap ng iligal na droga.
“I’ve been asked many times through the years what my view is about LGBT, and I’m truly perplexed why that continues to be a media concern. Media should focus on real concerns like lack of patriotism and discipline; persistent corruption, injustice, poverty, insurgency, drugs proliferation,” pahayag ni Alunan
Ipinaliwanag ni Alunan na ang LGBTs ay mga tao rin na may ibang oryentasyong sekswal na maaaring resulta ng komposisyon ng genes ng mga ito at marami umano siyang kakilalang mga LGBTs na maasikaso, maalalahanin, malikhain, masayahin, maalaga, at walang takot.
“So what’s the fuss all about?” tanong pa niya.
Kamakalawa ay tinanong umano siya ng media hinggil sa isyu ng same sex marriage at kung pabor ba siya rito o hindi. Ang tanong ay kailangan lang sagutin ng “YES” o “NO” at walang pagkakataon para magpaliwanag ang kandidato sa kanyang posisyon. Kaya naman, minabuti ni Alunan na magpaliwanag sa pamamagitan ng kanyang Facebook account at ito ang kanyang naging pahayag.
“The Catholic Church is a conservative institution and would say NO. Being a Catholic, I answered NO because I know it would not meet the Church’s approval. Just a plain fact. If the question was: Are you in favor of same sex union? I’d have said YES from the perspective of two people in love and obtaining the legal right to unite in a civil ceremony conducted by any authorized representative of the government. The government is the people’s agent that serves ALL 106-million Filipinos, Catholic and non-Catholic,” giit ni Alunan.
Idinagdag pa ng dating kalihim na kung pagbuo naman ng pamilya ang pag-uusapan, maaari namang mag-ampon ang LGBT couples sapagkat ang solidong pamilya ay nabubuo sa pagpapahalaga sa isa’t isa at ang pagiging magulang ay hindi naman monopolyo o ekslusibong karapatan lamang ng mag-asawa, homosexual man o heterosexual.