‘Anomalya’ sinisilip sa P1B Bustos Dam rehab procedures

CITY OF MALOLOS — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Sanguniang Panlalawigan (SP) ng Bulacan kung mayroong naganap na “anomalous transaction” sa P1-billion rehabilitation works ng Bustos Dam.

Sa naganap na special session kamakailan ng Bulacan SP via zoom meeting na dinaluhan ng mga  representatives ng National Irrigation Administration (NIA), Bulacan farmers at mga local chief executives mula sa ibat-ibang bayan sa nasabing probinsiya, nais ng mga Bulacan officials na malaman kung nagkaroon ng kapabayaan sa quality control body o sinadyang mayroong naganap na anomalya sa mga low quality at depektibong materyales na ikinabit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam.

Napagalaman na ang rehabilitation works ng nasabing dam ay dapat nakumpleto noon pang December 15, 2018 pero hanggang ngayon ay hindi pa pormal na nai-turnover ang naturang project.

Nabatid na noong June 11, 2018, nagpasabi ang  NIA officials ng Bulacan sa central office nito na nagkaroon ng biyak ang outside layer ng rubber gate kung saan tinapalan lamang o nag-vulcanize lamang bilang remedyo ang kontraktor nito.

August 2018, ipinahayag ni Josephine Salazar, regional director of NIA sa Central Luzon na ang rehabilitation works sa nasabing dam ay halos 98 percent complete at kailangan na lamang ikabit ang sprinklers sa mga rubber gates.

Inabisuhan si Alvarado na ang nasabing rehabilitation works ay 100 percent nang kumpleto pero unang linggo ng buwan ng Mayo 2020 ay bumigay ang Rubber Gate 5 nito.Ayon kay Bokal Pechay dela Cruz base sa dokumentong nakalap, isa lang ang bidder na nag-participate sa isinagawang bidding ng nsabing proyekto kung kayat dapat na idineklarang “failure of bidding” ng  Bids and Award Committee.

Sinabi ni Dela Cruz na base sa Section 21 of the implementing rules and regulation of the Bids and Awards Committee under RA 9184, dapat ideklarang failure of bidding kung iisa lang ang lumahok sa bidding.Dahil dito, tiniyak ni Alvarado na mananagot sa batas ang sino mang mapapatunayan na involve kung mayroon mang naganap na kapabayaan o anomalya sa naturang proyekto.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews