Antii-criminality operation ng Bulacan PNP pinaigting

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Limamput-isa katao ang inaresto kabilang dito ay 17 mga drug suspects habang 956 naman ang nalikom ng mga tauhan ng Bulacan Police mula Huwebes hanggang kahapon ng umaga sa isinagawang week long Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) campaign.

Ayon kay Bulacan Police provincial director Senior Supt. Chito Bersaluna, ang nasabing operasyon ay bahagi ng pinag-ibayong kampanya ng kapulisan sa lahat ng uri ng krimenalidad sa buong lalawigan na pinangungunahan ng mga Drug Enforcement Units mula sa mga lungsod at pmahalaang lokal ng Malolos, Meycauayan, San Rafael, Calumpit, Angat, Bulacan, San Miguel, Hagonoy, Marilao, and Paombong.

Kinilala ni Bersaluna ang mga nadakip sa ilegal na droga na sina Agosto Paulino; Jobert Aquino; Christopher Cayabyab; Eduardo Isidro; Brian Levie Dizon; Richard Tolentino; Robin Kim Caparas; Vergel Vicente; Gilbert Base; Rene Balolot; Jay-Ar Bengco; Ronaldo Bauz; Beinvenido Carruiedo; Jeff Morales; Ric Jerome Taboy; Eulalio Siapno La Torre at Ariel Floreno Gravoso.

Umabot sa 38 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang “shabu”; 2 sachets ng pinatuyong dahon ng “Marijuana” leaves; buy bust marked money at iba pang mga panggamit sa droga.

Ayon kay Bersaluna, kabilang sa mga nasakote ay mga nahuli sa illegal gambling, ang iba ay mga kabataang nahuli sa curfew, mga wanted persons at serving ng warrant of arrest at iba pang mga minor offenses.

Kasama rin sa mga pinagdadakip ay ang mga nag-iinuman sa lansangan o public places subalit ang iba naman ay agad din pinauwi at binigyan babala. ELOISA SILVERIO

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews