Army, mga opisyal ng DRT nagpulong tungkol sa Anti-Terrorism Act

LUNGSOD NG MALOLOS — Humigit kumulang 20 mga opisyal sa bayan ng Donya Remedios Trinidad at 48th Infantry Battalion o 48IB ang dumalo sa isang pagpupulong tungkol sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay 48IB commander Lt. Col. Feliex Emeterio Valdez, layunin ng naturang pulong na armasan ng tamang impormasyon ang mga halal sa barangay para sa patuloy na pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan.

Sa mensahe ni Mayor Marita Flores na binasa ni Michael Valencia, sinabi nitong ang bawat barangay na pinamumunuan ng kapitan ang siyang susi sa isang maayos, mapayapa at maunlad na bayan.

Nakapaloob sa Executive Order No. 70 o ang Whole of Nation Approach to End the Local Communist Armed Conflict ang Local Government Empowerment and Peace, Law enforcement and Development Support Cluster na nagpapatunay na kailangan palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan hanggang sa barangay upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga vulnerable sectors na madalas target ng makakaliwang grupo.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga Punong Barangay ng Camachin, Sapang Bulak, Kalawakan, Camachile, Bayabas, Pulong Sampalok, Kabayunan at Talbak. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews