‘ASF-free Philippines malabo pang ideklara ayon sa DA

QUEZON CITY – Malabo pang ideklara ng Department of Agriculture (DA) na hindi na apektado ng African Swine Fever o ASF ang mga alagang baboy sa mga karatig na probinsiya.

Ito ang naging pagtaya ng Department of Agriculture kaugnay sa pananalasa ng ASF sa ilang panig ng bansa.

Sa kanyang kauna-unahang press conference para sa taong 2020, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, mayroon pa ring kaso ng ASF ang binabantayan ng kanilang ahensya.

Tinukoy ni Sec. Dar ang mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan na hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga napaulat na kaso ng ASF.

Pero ang magandang balita anang Kalihim, bumababa na daw ang kaso ng ASF sa mga nabanggit na lugar habang kontrolado na rin ng ahensya ang nasabing sitwasyon.

Sa ngayon, ayon pa sa opisyal, nagpapatuloy pa din ang ginagawang ayuda ng ahensya sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF mula buwan ng Agosto hanggang Disyembre ng katatapos na taong 2019. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews