Baboy sa Bulacan patuloy nangangamatay

Patuloy na nangangamatay na tila tinamaan ng epidemya ang mga alagang baboy sa lalawigan ng Bulacan makaraang panibagong 21 baboy sa Lungsod ng Malolos ang iniulat na nasawi kahapon.

Ayon sa backyard raiser na si Alejandro Roque, residente ng Barangay Santor, kinumpirma nito na sa nakalipas na tatlong araw ay 21 alaga niyang baboy ang nangamatay sa di pa mabatid na sakit na dumapo dito.

Nabatid na kahapon lamang ay tatlo sa dalawamput-isang baboy ang namatay na tumitimbang ng 60 kilo bawat isa.

Aniya, ang mga namatay na hayop ay kaniya nang inilibing pero bago ito ay nakuhanan na ng blood sample ang mga ito pati na rin ang ilang natitirang buhay ng mga tauhan ng Department of Agriculture from Central Luzon.

Napagalaman pa na sampu pa sa kaniyang mga alagang baboy ngayon ay kinakitaan na rin ng sintomas ng pagkakasakit at pinangangambahan na mamatay din sa mga susunod pang nga araw.

Ayon naman kay Santor Barangay chairman Nelson Santos, ang insidente ng pagkamatay ng mga alagang baboy ni Roque ay nai-report na sa city veterinarian ng Lungsod ng Malolos kung saan nakipag-tied up na ein sila sa local agricultural office upang agarang magsagawa ng mga seminar para maiwasan ang pagkakasakit gayindin ang tamang pag-aalaga ng mga ito.

Maguhunita na kamakailan lamang ay maraming biik at baboy ang nakitang lumulutang sa mga creek at ilog sa Barangay Tikay at Barangay Bulihan na nasabi ring lungsod at kasalukuyang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay nito.

Nito lamang Lunes ay idineklara ng DA na kabilang ang Bulacan sa tinamaan ng African Swine Flu (ASF) kasama ang lalawigan ng Rizal.

Kahapon din ay sinabi ni Governor Daniel Fernando na patuloy ang isinasagawang strict monitoring ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng provincial agriculture office at provincial veterinary office sa mga hog farm sa probinsiya.

Nagsasagawa rin ng inspection at preventive measures ang pamahalaang lokal hindi lamang sa mga accredited hog raisers kundi partikular na sa mga backyard raisers, ani Fernando.

Gaya ng lalawigan ng Pampanga, ipinagbabawal din ni Fernando sa Bulacan ang pagpasok ng mga baboy sa nasabing probinsiya mula sa labas upang masiguro ang kaligtasan ng hog industry sa naturang lalawigan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews