Bag Factory sa FAB, nasunog

Umabot sa dalawang oras ang sunog na tumupok sa standard factory building no. 3 na inookupahan ng DLX Bags Philippines, Inc. sa Phase 1 sa FAB Industrial Area, Freeport Area of Bataan, Mariveles, Bataan, Biyernes ng gabi. 

Ayon sa fact sheet mula sa AFAB Fire and Emergency Division, nagsimula ang sunog sa 3rd floor production area ganap na 8:04p.m., itinaas sa first alarm at naapula ng 10:08 p.m. 

Wala namang naiulat na nasaktan o casualties sa naturang sunog na sinasabing nagsimula sa conveyor oven na naiwang nakabukas. Walang naiulat na manggagawa nang maganap ang sunog. 

Ayon sa pamunuan ng DLX, dahil sa nangyaring fire incident ay apektado ang may 1,900 na trabahador o workers dito.

Rumesponde sa fire scene ang AFAB-FED, Mariveles BFP, Limay BFP, Balanga BFP, at pamatay sunog ng DND Arsenal.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng AFAB sa insidente upang matukoy ang eksaktong dahilan ng sunog at inaalam pa ang halaga ng natupok ng apoy. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews