Bagong gusali ng Land Bank-Malolos Highway branch, bukas na

Nagsimula na ang operasyon ng Land Bank of the Philippines o LBP Malolos Highway Branch sa bago nitong tatlong palapag na gusali.

Inilipat ang operasyon ng nasabing sangay sa lupang binili ng LBP na nasa gilid din ng MacArthur Highway. Nasa 50 milyong piso ang ginugol ng bangko para maisakatuparan ang proyekto.

Ayon kay LBP-Malolos Highway branch manager Paulino Tiongson, may laking 1,604 square meters ang lupa habang 500 square meters ang floor area ng bagong gusali. 

Nakahilera ito sa hanay ng mga gasolinahan, pribadong paaralan at sa itatayong mall na nasa barangay Sumapang Matanda.

Tampok sa bagong gusali ang pagkakaroon ng mas maaliwalas na lugar para sa Digital Banking Corner kung saan maaring nang makapagbukas ng bank account nang mag-isa. 

Layunin nito na maging contact-less ang ilang transaksyon lalo na ngayong may pandemya bilang bahagi ng binuong Digital Banking Onboarding System ng LBP.

Bukod sa Malolos Highway Branch, mayroon ding sangay sa Paseo del Congreso na tinatawag na LBP-Malolos Plaza Branch.

May mga branch din sa San Ildefonso, Baliwag, Hagonoy, Pulilan, Balagtas, Santa Maria, San Jose Del Monte at Meycauayan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews