ORANI, Bataan – Nag-inspection nitong Mierkoles ang bagong talagang Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bagong site ng Bataan District Jail.
Ayon kay Jail Chief Supt. Arnel Gongona ng BJMP Central Luzon, ito ay bilang paghahanda sa kanilang napipintong paglipat sa bagong site sa 1Bataan Command Center Compound kung saan itinayo ang P900M bagong gusali ng Bataan District Jail.
Taong 2018 nang maglaan ng P100 million pondo ang BJMP sa proyektong ito na siyang inaasahang magiging model district jail sa bansa.
Ayon sa Bataan Engineer’s Office, mayroon itong green area, gym at kasama din umano sa plano ang magtayo ng medical facility sa lugar.
Katuwang sa proyektong ito ang Provincial Government ng Bataan sa pamumuno ni Bataan Governor Abet Garcia.
Kasamang nag inspection sa lugar sina Bataan District Jail Warden Jail Supt. Neil Subibi, Jail Supt. Andrew Tauli (former BDJ Warden) at iba pang opisyal ng BJMP.
Samantala, masaya namang ibinalita ni JCSupt. Gongona na sa buong rehiyon ay nananatiling Covid-free ang lahat ng detention facilities ng BJMP sa 7 probinsiya at 2 highly-urbanized cities ng Gitnang Luzon.