Itabi na muna ang inyong mga summer attires at sunblock at salubungin na ang rainy season! Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, simula na ng tag-ulan ngayong taon. Kaya sa ganitong panahon inaasahang madalas ay nakasilong tayo sa ating tahanan. Pero bago natin namnamin ang lamig na dulot ng tag-ulan, dapat munang isaisip ang kaligtasan at kahandaan ng ating bahay sa ganitong panahon. Narito ang mga minumungkahing paraan at tips upang maging happy ang ating STAYcation.
1.ROOF TOUGH ENOUGH
Una sa lahat, suriing mabuti ang bubong dahil ito ang nagbibigay proteksyon laban sa malakas na buhos ng ulan. Samantalahin ang panahon, upang matukoy kung saan ang butas ng bubong dahil ang tagas ng ulan ay di lamang nakakaperwisyo; ito’y maaaring maging sanhi ng pagkasira ng kisame, gamit at pagsimulan ng pamumuo ng anay at paglaganap ng fungi.
Tapalan agad ang butas ng bubong ng roof sealant tulad ng Vulcaseal dahil sa paglipas ng taon at pabago-bagong panahon, ang yero ay maaring kalawangin at mabutas ng matulis na bagay.
Matutukoy ang butas ng bubong kung tumatagos ang liwanag ng labas nito. Ang siwang naman ay hindi kaagad masusuri sa pagsilip lamang. Maaaring buhusan ng tubig ang pinaghihinalaang siwang at ang pagtagas ng tubig ang magpapatotoo nito.
2.OBSTRUCTIONS
Makakabuti kung tatabasin ang sanga ng mga puno na nakapaligid at dikit sa iyong bahay. Pwede nitong mapinsala ang bintana at alin mang marupok na bahagi ng bahay sa kalagitnaan ng malakas na bagyo. Magagamit mo ang pinagtabasang kahoy para gawing panggatong.
Kung patay na ang mismong puno, putulin na ito upang hindi maging sanhi ng anumang sakuna.
3.BETTER GUTTER
Siguraduhing nalilinis ang alulod ng bagay na nakakabara sa daloy ng ulan tubig tulad ng dahon, sanga, at iba pa. Ang baradong alulod ay magiging sanhi ng pag-apaw ng ulan na tatagas sa kisame na maaaring ikasira nito.
4.RUST RUSH
DI lang tetano ang maaaring idulot ng kalawang kundi pati ang pagkasira ng iyong bahay lalo na sa mga grill, bintana o pintong gawa sa bakal. Panatilihing maayos ang pintura nito sa lahat nang oras gamit ang tamang pintura.
5.SOCKET LOCK IT
Huwag hayaang tumagas o malagyan ng tubig ulan ang mga electrical sockets, equipment, fuse o main switch lalo na ang mga nakalagay sa labas ng bahay. Maaari itong pasukan ng tubig nang di natin namamalayan at pagmulan ng short o grounding na pwedeng maging sanhi ng sunog o pagkakuryente. Makakabuting takpan ito ng outlet covers na mabibili sa mga hardware stores. Tandaan ang tubig ay isang conductor ng kuryente kaya dapat tayong mag doble ingat.
Maaaring higit na ligtas ka sa loob ng iyong pamamahay kung ito ay napapanatiling nasa ayos lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Kung tibay lang naman ng bahay ang iyong hanap, dito ka na sa FIESTA Communities – Dapdap! May underground storm drainage system kaya hindi binabaha ang community! Rib Type at painted na ang bubong kaya iwas butas kahit gaano pa kalakas ang ulan. Ang mga bintana ay coated at napinturahan na ang steel casement kaya hindi ito mangangalawang sa madaling panahon!
Dito na sa FIESTA Communities – Dapdap kung saan pinakaswak sa lahat, wala nang katapat!
SOURCES:
https://www.google.com.ph/search?q=how+to+detect+roof+leaks&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVz_in2s3UAhVJFpQKHQqPDOUQ_AUIBygC&biw=1024&bih=585#tbm=isch&q=gutter+before+and+after&imgrc=62fm_64IJkWE1M:
https://www.google.com.ph/search?q=how+to+detect+roof+leaks&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVz_in2s3UAhVJFpQKHQqPDOUQ_AUIBygC&biw=1024&bih=585#tbm=isch&q=tree+clearing+after+storm+getty+image&imgrc=59d59uUQcKoKmM:
https://www.google.com.ph/search?q=how+to+detect+roof+leaks&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjVz_in2s3UAhVJFpQKHQqPDOUQ_AUIBygC&biw=1024&bih=585#tbm=isch&q=rusty+door&imgrc=2RMduCUJTqauBM:
http://www.wikihow.com/Prepare-Your-Home-for-the-Rainy-Season
https://www.google.com.ph/search?q=socket+protector&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwii6Yfk5s3UAhUEnZQKHRlTApsQ_AUIBigB&biw=1024&bih=634#tbm=isch&q=20pcs-US-Plug-Toddler-Baby-Child-Kids-Safety-Protection-Electrical-Power-font-b-Outlet-b-font&imgrc=3S_WvxpwYdRxNM:
https://www.google.com.ph/search?q=american+house+shingle+roof&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi7rdrt2M3UAhUHGJQKHaYBBj0Q_AUIBigB&biw=1024&bih=634#imgrc=TlJNWJVYJiexdM: