Balanga City hotels ginawang pasilidad para sa mga frontliners

BALANGA CITY – Naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ng free accommodations para sa mga healthcare workers na lumalaban sa pagkalat ng coronavirus o COVID-19.

Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, isa ito sa mga naisip niyang paraan para makagaan at makatulong sa kanilang mahalagang ginagampanan ngayon sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Simula pa nitong nagdaang Sabado ay nasa limampu o 50 healthcare workers ang tumutuloy ngayon sa Hillside Garden Mansion Hotel sa Balanga City habang 53 naman ang nasa Dennito Inn sa naturang lungsod din. 

Samantala, ng Bataan People’s Center (BPC) sa  Capitol Compund ay ginawa na ring pasilidad eksklusibo naman para sa mga asymptomatic o mga pasyenteng wala nang nararamdamang sintomas na kailangang sumailalim sa mandatory 14-day Post Discharge Quarantine sa pamamahala ng Provincial Health Office.

Sa ngayon, ayon pa sa Gobernador, may mga health workers nang nakatalaga para dito at tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na magtatalaga sila ng kanilang mga kawani upang matugunan ang kinakailangang karagdagang health workers.

Dalawampu’t pitong individual tents na naaayon ang layo sa isa’t-isa para masunod ang itinakdang social distancing, ang itinayo sa loob ng BPC ng mga kawani ng Provincial Engineer’s Office (PEO) at tanging mga kawani lamang ng PHO at PRC na nakasuot ng Personal Protective Equipment ang maaaring pumasok sa loob ng pasilidad. 

Ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection, kawaksi ang mga kawani ng PEO ang nagsagawa ng kinakailangang disinfection sa loob at labas ng nasabing pasilidad. 

Nakaalerto na rin ang Philippine National Police (PNP), Capitol Security Intelligence Unit (CSIU), at KARPA upang siguruhin ang kaligtasan ng bawat pasyente, 24/7. May naka install na ring CCTV camera at naorient na rin ang mga security personnel sa operation at monitoring ng mga ito.

“Patuloy po tayong manatili sa ating mga tahanan, gawin ang social distancing at palaging maghugas ng kamay upang ating tuluyang masugpo ang COVID-19 sa ating Lalawigan,” pahayag pa ni Gob. Garcia. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews