Nagwagi naman sa ikalawang pwesto ang Baliwag High FVE Mobile App para sa kategoryang Global Competitiveness (G2W).
Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella at Baliwag Municipal Information and Communication Technology Office (MICTO) Head Brainard Ardoña ang pagtanggap ng mga parangal na ginanap kamakailan sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang Baliwag High FVE Mobile App at BIPS na proyekto ng Baliwag MICTO ay naglalayon na mas mapabilis ang transaksyon at daloy ng impormasyon hindi lamang sa loob ng lokal ng pamahalaan kung hindi para rin sa mga Baliwagenyo sa tulong ng teknolohiya.
Ayon kay Mayor Estrella, labis ang kaniyang kasiyahan sa pagkapanalo ng Bayan ng Baliwag sa nasabing parangal. Dagdag niya, siya ay naniniwala na mahalaga ang tamang paggamit at integrasyon ng teknolohiya sa pamamahala kung kaya binibigyang diin sa bisyon ng Pamahalaang Bayan ang pagiging sentro ng Baliwag sa technological advancements.
Ang Digital Cities PH Awards ay isang prehistiyosong parangal na nag lalayon na paigtingin ng bawat pamahalaan sa buong bansa ang pagbibigay ng mga impormasyon sa kanilang mga nasasakupan upang mas madali nila itong matanggap at mapakinabangan gamit ang teknolohiya.
Maaring i-download ang Baliwag High FVE Mobile App sa kahit anong android phones at ito ay malapit na ring ilunsad sa Iphone Operation System (IOS) Apple upang malaman ang mga bagong balita at pangyayari sa loob ng Bayan ng Baliwag.