Bangkay na pugot ang ulo natagpuan sa Bataan

BALANGA CITY – Isang naaagnas na bangkay ng lalake na putol pa ang ulo ang natagpuan sa kabundukang sakop ng tinaguriang “Five Fingers Island” ng Barangay Ipag, Mariveles, Bataan.

Agad namang rumesponde sa nasabing lugar ang PNP Mariveles at mga barangay tanod kasama ang Scene of the Crime Operatives mula Bataan Crime Laboratory para sa pagpo-proseso ng nasabing bangkay.

Ayon sa mga otoridad tinatayang nasa mahigit isang linggo nang patay ang nasabing biktima na walang pagkakakilanlan maliban sa suot nitong asul na maong at long sleeves na damit.

Natagpuan naman ang ulo nito na isa nang bungo dalawang metro ang layo mula sa katawan nito na pinaniniwalaang kinain na ng mga hayop sa gubat ang nabubulok nitong katawan.

May natagpuan ding bag malapit sa biktima na maaaring makatulong sa mga otoridad subalit wala itong identification card bagamat may nakitang wallet sa loob ng bag.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima kung ilang taon na ito at kong papaano ito namatay.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews