Inendorso ng ibat-ibang sektor sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan ang punong barangay ng Barangay Manggahan na si Kapitan Renato Castro para sa mas mataas na posisyon bilang alkalde sa darating na 2022 elections.
Nasa dalawampung pastor mula sa ibat-ibang religious sector, business sectors, non-government organizations at ng libu-libong residente ng bayan ng Sta Maria ang humimok kay Kapitan Castro para tumakbong mayor at pamunuan ang nasabing bayan.
Nitong nakaraang linggo ay isa si Castro sa mga naghain ng kandidatura para sa darating na 2022 election, kasama nito ang kaniyang running-mate sa vice-mayoralty post na si Obet Perez at ang apat na konsehal na sina Froilan Caguiat, VJ Salazar, Christian Catahumber at Ronald Cristobal sa ilalim ng National Unity Party (NUP) have filed their certificates of candidacy (COCs) on October 7.
Ang kaniyang makakalaban ay si incumbent Vice Mayor Ricky Buenaventura na naghain din ng COC para pambato naman ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Nais ni Castro ang isang malinis at maka-Diyos na paglilingkod bilang serbisyo publiko kung saan prayoridad nito sa kaniyang programa ang ibigay ang tama at naaayong pondo para sa edukasyon at kalusugan.
“Kung papalarin ay ito na po ang pagkakataon para isukli sa bayan ng sta maria ang mga biyayang nakamit ng aking pamilya at ng Reymalin Group of Companies,” ayon kay Castro.