Nilamon ng apoy ang ikalawang palapag ng bulwagang pambarangay ng Barangay Maite sa Bayan ng Hermosa nitong Martes ng hapon.
Ito ang kinumpirma sa iOrbitNews ni Hermosa Police Chief, Police Major Jeffrey Onde sa isang panayam via Facebook Messenger.
Ayon sa official report mula sa Bureau of Fire Protection (BFP Hermosa), 12:52 p.m. nang matanggap nila ang tawag mula sa Barangay Maite at kaagad na rumesponde sa fire scene ang kanilang fire truck at personnel pati na ang pamatay sunog at crew ng Dinalupihan BFP.
Ganap na 1308H o 1:08p.m. ay idineklara ni ground commander/chief operation FO3 Ronald Buncab na fire out na ito.
Sa initial estimate ng BFP ay umabot sa P50,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian. Wala namang naiulat na nasaktan.
Base sa report na pirmado ni FO1 James Paul Gersaniva, shift fire and arson investigator ng BFP, nagsimula ang sunog sa kitchen area kung saan “may lose connection ng hose ng isang LPG tank.”