Barangay service vehicles ipinamahagi sa Bataan

Labingpitong (17) barangay sa Lalawigan ng Bataan ang muling pinagkalooban ng sari-sarili nilang service vehicle nitong Miyerkules, ika-11 ng Nobyembre.

Pinangunahan ni Bataan Governor Abet Garcia ang simpleng turn-over at blessing ceremonies.

Kasama sina Bataan 2nd District Representative Joet Garcia, Bise Gob. Cris Garcia at Provincial Planning and Development Officer Engr. Butch Baluyot, personal na ipinagkatiwala sa mga Punong Barangay ang mga bagong sasakyan na malaki ang maitutulong sa paghahatid ng serbisyong publiko sa kanilang mga nasasakupan lalo na ngayong may dinaranas pa ring pandemya ang bansa dulot ng COVID-19.

Ang mga benepisyaryo ng mga barangay service vehicles ay ang mga barangay na nakatapos at nakapagsumite na ng first phase ng kanilang Barangay Development Masterplan.

“Asahan po na masusundan pa ang pamamahagi na ito sa mga susunod na araw kapag nakumpleto na ng iba pang barangay ang mga kinakailangang datos upang matapos na ang kanilang Barangay Development Masterplan,” pahayag pa ni Governor Garcia.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews