Basher ng mga Garcia sa Bataan pumuslit sa checkpoint, arestado

Nadakip matapos umanong tumakas sa pinaiiral na enhanced community quarantine checkpoint ang kilalang negosyante sa Bataan na si Jayson Morales.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa MPS, nag-ugat umano ang krimen sa checkpoint kay Morales lulan ng isang black Mitsubishi Mirage sa Balsik Checkpoint ng mga Hermosa PNP personnel at Bataan 1st PMFC operatives sa bayan ng Hermosa ganap na 2:20p.m. nitong Biernes

Ayon sa report ng PNP, habang nasa proseso ng checkpoint ang mga otoridad ay bigla umanong pinaharurot ni Morales ang kanyang kotse kaya’t hinabol ito ng patrol vehilce ng PMFC hanggang sa mahuli ito sa bahagi ng Barangay Rizal, Dinalupihan, Bataan.

Katwiran ni Morales sa panayam ng media, akala niya ay tapos na ang proseso sa checkpoint kaya’t nagpasya siyang umalis na.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 11332 (carrying unauthorized person outside residence) at Article 151 ng Revised Penal Code (Disobedience and Resistance).

Pasado alas nueve ng Biernes ng gabi ay sumailalim si Morales sa inquest proceedings na pinangunahan ni Bataan Chief Prosecutor Sonny Ocampo sa Provincial Prosecutor’s Office.

Nakilala si Morales sa Bataan dahil sa mga viral videos habang binabatikos niya at pinagmumura ang mga kilalang politiko at personalidad sa judiciary ng Bataan.

Pansamanatala siyang nakapiit ngayon sa Hermosa Municipal Jail at pinayagang makapagpiyansa sa darating na Lunes, April 20, 2020.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews