BATAAN – Pumanaw na ang ikalawang pasyente na positibo sa COVID-19 nitong Hueves, ika-2 ng Abril 2020.
Ayon sa report ni Bataan Governor Abet Garcia, ang ikalawang fatality sa coronavirus disease sa Bataan ay ang 62 taong gulang na babae, taga Balanga City na naka-admit sa Baypointe Hospital sa Subic Freeport nitong ika-24 ng Marso. Ang travel history nya ay Quezon City.
Sa kasalukuyan, nananatiling labing-apat ang bilang ng Bataeños na nagpositibo sa COVID-19.
Sa latest update ng Provincial Health Office (PHO), sa kabuuan, as of 8:54 a.m. ng April 3, tatloang nakarecover na at tinatapos na lamang ang 14-day Post Admission Quarantine; ang mga PUM ay umabot na sa 4,073 ang mild PUI ay 771; moderate to severe PUI ay 116; at dalawa ang pumanaw na.
“Patuloy ko pong hinihiling ang inyong kooperasyon at pagsunod sa patakaran ng ECQ na manatili sa ating mga tahanan at kung may mahalagang dahilan ang paglabas ng tahanan, gawin ang social distancing,” pakiusap ni Gob. Garcia.
Dagdag pa niya, “Sa ating pagtutulungan, pagmamalasakitan, pag-uunawaan at sa awa at gabay ng ating Panginoon, mapagtatagumpayan natin ang mabigat na pagsubok na ito.”