Bataan Police nagtanim ng 200 narra trees

Nagsagawa ng tree planting activity ang Bataan PNP sa Tangilad Dam, Barangay Pag-asa, Orani, Bataan nitong nagdaang Biernes.

Pinangunahan ito ni Police Colonel Romell A Velasco, Acting Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office, kasama ang kaniyang mga tauhan, miyembro ng Bureau of Fire Protection at Advocacy Support Groups and Force Multipliers.

Nasa tinatayang 200 narra trees ang naitanim ng PNP sa nasabing barangay.

Kaugnay ito ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng 27 Police Community Relations Month na may temang” Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.

Hinihikayat naman ng Bataan PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng kalikasan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews