Bataan tourism app, inilunsad

Inilunsad ng Bataan Provincial Tourism Office ang isang app na magsisilbing online registration portal para sa mga turista gayundin ang personal na gabay kapag naglalakbay sa probinsya.

Ito ay ang Visitor Information and Travel Assistant (VIS.I.T.A) na tutulong sa pag-regulate ng pagpasok at mobility ng mga turista gamit ang QR coded tourist pass (QTP) hindi lamang sa panahon ng pandemya kundi maging sa pangkaraniwan at normal na sitwasyon o “better normal” . 

“Layon din nitong mangolekta ng data para sa mga layunin ng pagpaplano hindi lamang para sa benepisyo ng Provincial Tourism Office kundi para sa mga indibidwal na establisimyento rin,” sabi ni Provincial Tourism Officer Alicia Pizarro sa ulat ng PIA Bataan. 

Hinihikayat din ni Pizarro ang mga resort at accommodation establishments na mag-aplay para sa accreditation para ma-enjoy ang ilang perks.

Kabilang sa mga perks ang pagiging priyoridad na nag-aalok sa mga pagtatanong at pagsasama sa iba’t ibang marketing collaterals ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan at Department of Tourism.

Ang mga turistang nagpaplanong bumisita ay maaari nang magparehistro sa pamamagitan ng www.visita.beholdbataan.ph para makabuo ng kanilang mga QTP.

Magsisimula sa Hunyo 16 ang pagpapatupad at pag-scan ng Bataan VIS.I.T.A QTPs.  | MHIKE CIGARAL

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews