BDO Network Bank: Patuloy ang education support programs sa gitna ng pandemic

Hindi tumitigil ang mga programa ng BDO Network Bank (BDONB) upang patuloy na makatulong sa komunidad partikular na sa aspeto ng edukasyon.

Nagbigay ang rural bank ng mga protective equipment, online learning tools, at iba pang gamit pampaaralan sa kabuuang halaga na P3 milyon. Mahigit kumulang sa 1,100 na pampublikong paaralan sa buong bansa ang nakinabang sa mga programang ito.

Kabilang sa mga programang ito ang Brigada Eskwela, Balik-Eskwela, at Adopt-a-School. Noong mga nakaraang taon, ang mga programang ito ay sumuporta sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kagamitan para sa mas epektibong pagturo sa silid-aralan.  Subalit dahil na rin sa pandemya at blended learning na pinatupad ng Department of Education (DepEd), minabuti ng BDONB na ituon ang kanilang pagtulong sa kaligtasan ng mga guro at estudyante.

Namigay din ng mga disinfectants at washable face masks ang BDONB para sa kampanyang Brigada Eskwela sa taong ito. Ang donasyon ay nagkakahalaga ng P1 milyon, na ipapamahagi sa 1,105 public schools sa tulong ng DepEd.

Sa pakikipag-tulungan naman kasama ang BDO Foundation and SM Foundation, nabigyan ng 65 laptops, 200 desktops, at 10 scanners ang 275 na pampublikong eskwelahan.  Nag-donate rin ang BDO Foundation at SM Foundation, sa tulong ng BDONB, ng mga sapatos, school bags, at iba pang kagamitang pang-eskwela. Lahat ng ito ay bahagi ng Balik-Eskwela Program.

Sa ilalim naman ng Adopt-a-School program, ipinagpatuloy nito ang layuning magbigay ng karagdagang school supplies. Kamakailan, ang BDONB ay nag-donate ng bond paper sa halagang P1.4 milyon, upang makatulong sa printing ng mga student work sheets.

“Ang mga banta sa kalusugan na dulot ng pandemic ang nagbunsod sa atin na panatilihin na muna sa bahay ang mga mag-aaral. At sa kabila ng mga hamon, hindi dapat mahinto ng pandemiya ang mga layunin natin na mabigyan ng magandang edukasyon ang ating mga kabataan,” sabi ni BDONB president J. Antonio S. Itchon.

Sa gitna ng kasalukuyang social distancing regulations, pinapagpatuloy ng BDONB ang diwa at kilos ng “Sama-sama tayo”. Ramdam ito ng mga kostumer sa kani-kanilang mga komunidad— na mas lumawak pa at umabot na sa online space.  Sa kabila ng mga panuntunan sa quarantine, dama pa rin ng mga kostumer ang init ng diwa ng sama-sama at bayanihan sa pamamagitan ng BDONB.

Ang BDO Network Bank ay rural bank subsidiary ng BDO Unibank. Bisitahahin ang facebook.com/BDONetworkBankPH para updates.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews