Benepisyo ng itatayong Bulacan International Airport, inilahad

BULAKAN, Bulacan — Tiniyak ni Gobernador Daniel R. Fernando na magkakaroon ng balanse sa kapaligiran at katatagan laban sa kalamidad ang itatayong paliparan sa bayan ng Bulakan.

Sa kanyang talumpati sa katatapos na pagdiriwang ng ika-169 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. Del Pilar, ipinaliwanag ni Fernando na bukod sa maayos na plano at disenyo nito ay inaasahang magdadala ito ng trilyon dolyar sa larangan ng ekonomiya.

Idinagdag pa ng gobernador na ang kaunlaran na nagaganap sa Bulacan ngayon ay ang lalawigan na pinangarap ni Del Pilar.

Aniya, hindi isang pagkakataon lamang na mismong sa bayang sinilangan ng isang dakilang Bulakenyo lalapag ang buong mundo. 

Kaya dapat aniya ay maghanda sapagkat ang bunga ng kaunlaran ay darating na sa hapag ng bawat pamilyang Bulakenyo. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews