BFAR namahagi ng 2 milyon fingerlings sa Central Luzon

Umabot na sa dalawang milyong fingerlings ng tilapia at carpa ang naipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office 3 sa tatlong lalawigan sa Gitnang Luzon kamakailan.

Ayon kay BFAR3 regional director Wilfredo Cruz, ang nasabing fingerlings ay bahagi ng 5-milyon fingerlings ng nasabing isda na target ipamahagi ng BFAR Region 3 Office sa pitong lalawigan sa Gitnang Luzon sa taong 2020 sa ilalim ng programang “Balik Sigla Sa Ilog at Lawa”.

Unang nabigyan ang mga fish farmers ng 100,000 GET EXCEL Tilapia sa Small Water Impounding Projects (SWIP) at Small Farm Reservoir (SFR) project ng bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Bulacan na nanggaling sa Fresh Water Technological Outreach Station sa Looc, Zambales kung saan dito pinaunlad at pinabuti ang pagpapalahi ng nasabing mga isda. 

Kasunod naman ang isinagawang communal dispersal sa SWIP ng Pantabangan Dam at bayan ng Sta Rosa sa Nueva Ecija kung saan 350,000 tilapia at 40,000 carpa ang pinakawalan ng BFAR3 katuwang ang Provincial Fisheries Office at Fingerlings Dispersal Unit.

Suportado ng BFAR- National Freshwater Fisheries Technology Center (NFFTC) at National Brackishwater Fisheries Technology Center (NBFTC) ang  naturang programa na sila rin nag-supply ng nasabing mga fingerlings.

“The man-made impoundments were primarily built for rain water storage but also provides for more than 700 fisherfolk in the communities because Carp and Tilapia thrive in the waters. The activity was conducted to repopulate both species and improve the productivity of the reservoirs,” ayon kay Cruz.

400,000 naman na fingerlings mula sa Technological Outreach Station for Brackish Water ang natanggap ng mga mangingisda at local na pamahalaan ng Masantol, Pampanga kung saan kabuuang 2-milyong fingerlings na ang natanggap ng mga fish farmers sa nabanggit na lalawigan kabilang ang bayan ng Minalin na siyang mayroong pinakamalaking produksyon ng tilapia sa Gitnang Luzon.

“The goal is to provide them with much needed input assistance to improve their farm yield and hopefully lead to an increase in the production of tilapia aquaculture in Pampanga,” ani Cruz.

Ayon pa kay Cruz, kabilang din sa ipamimigay ang 600,000 fingerlings at additional na 160-milyong fry ng milk fish polyculture o bangus.

Ang Central Luzon ay may kabuuang  17,000 ektarya ng fresh water fishpond habang 29,000 ektarya naman ng brackish water.

Ang brackish water ayon kay Cruz ay ang tubig kung saan nabubuhay ang isda sa naghahalong sea water at fresh water.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews