‘Bike & Dine’ sa SM City Marilao bukas na

Alinsunod sa mga tagubilin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) guidelines para sa mas ligtas na dining experience, ang SM City Marilao ay binuksan na sa publiko ang kanilang “Bike and Dine” para sa mga cyclist customers.

Ang bagong outdoor dining concept ng SM City Marilao ay kauna-unahan sa lalawigan ng Bulacan na pinapayagan sa mga seklista na maka-dine-in (al fresco) habang ligtas na naka-park ang kanilang mga bisikleta.

Ito umano ay naka-customized ng bike racks na mayroong dining tables para hassle-free dine in experience na tiyak nilang ma-enjoy.

“More and more Filipino commuters have turned to biking as mode of transportation during pandemic” ani SM City Marilao Mall Manager Engr. Emmanuel Gatmaitan. “With our Bike and Dine, customer have one less thing to worry about when it comes to bike parking and outdoor dine-in safety” he added.

“With SM City Marilao’s bike-friendly facilities, customers can dine on the go and look forward to a safe, convenient, and enjoyable biking experience” ayon kay SM City Marilao Assistant Mall Manager Janette Aguilera.

Pinapaalalahanan din ang mga bike riding customers na nais bumisita na sumunod sa mga  health protocols tulad ng pagsuot ng face masks,  face shields, at social distancing.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews