Bike-friendly lane sa Pulilan-Baliuag Diversion Road bukas na

Pinangunahan ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isinagawang  final inspection ng newly constructed bike-friendly lane at upgrading ng Pulilan-Baliuag Diversion Road Phase IV sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes.

Ang pagbisita at inspeksyon ay isinagawa kasama sina Bulacan 2nd District Congressman Apol Pancho, Usec. Rafael Yabut, DPWH Region III regional director Rosseler Tolentino at Bulacan First District Engineering Office District Engineer Henry Alcantara.

Ayon kay Villar, ang nasabing 9.6-kilometer bypass diversion road na mayroong dedicated type bicycle lanes ay makakatulong mabawasan ang overly-congested sections ng Maharlika Highway sa magklatabing munisipalidad sa Barangay Tibag sa bayan ng Pulilan patungong Barangay Tarcan sa Baliuag.

Ang kabuuang halaga ng proyekto na nakapaloob sa Build, Build, Build program ng pamahalaang nasyunal ay P922 million kung saan ang implementasyon ng konstruksyon ay pamamahalaan ng DPWH Region 3. 

Isinagawa ang groundbreaking nito noong 2015 at sinimulan ang konstruksyon ng 2016 at pinasinayahan nitong  May 2019. 

Ang alternate four-lane diversion road  ay sinimulan sa Pulilan-Calumpit Road halos katabi ng North Luzon Expressway (NLEX) at ang hangganan ay sa Daang Maharlika Highway kung saan umaabot na sa  3,000 motorista ang dumadaan na rito.

Sa initial briefing ni RD Tolentino kay Sec. Villar, ang pagtatayo o konstruksyon ng Pulilan–Baliuag Diversion Road ay nagpagaan ng lubos sa araw-araw na pagbiyahe rito sa pagitan ng nasabing mga bayan at mas napalapit pa sa mga nagnanais na pumunta sa NLEX.

“Without enduring the Maharlika Highway’s busy and constricted intersections, the 9.6-kilometer Pulilan-Baliuag Diversion Road cut travel time between the towns of Baliuag and Pulilan or vice versa from 1 hour to just 30 minutes,” wika ni RD Tolentino.

Nilagyan ang magkabilang gilid ng nasabing diversion road ng bike lanes na reflectorized at mga metal beam guards, slope protection structures para masiguro ang kaligtasan ng mga dumaraan dito.

“The Pulilan-Baliuag Diversion Road project was nominated as Philippine’s official entry for the MINO Best Project Award – Community Road Category of the Road Engineering Association of Asia and Australasia or REAAA for the project’s social effectiveness and impact, environment friendliness and technical excellence,” pahayag ni Tolentino.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews