Bilang ng COVID-19 confirmed cases sa Bataan, 182 na

BALANGA CITY – Umabot na sa 182 ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Bataan matapos magpositibo ang 9 na katao base sa Bataan PHO latest report na may petsang June 24, 2020.

Ito ang iniulat nitong Hueves ng umaga ni Bataan Governor Abet Garcia kung saan 80 naman ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:

• Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Orani

• Isang 19 na taong gulang na lalaki mula sa Orani

• Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Orani

• Isang 75 taong gulang na babae mula sa Orani• Isang 78 taong gulang na babae mula sa Orani

• Isang 76 na taong gulang na lalaki mula sa Orani

• Isang 16 na taong gulang na lalaki mula sa Orani

• Isang (1) taong gulang na lalaki mula sa Orani• Isang 32 taong gulang na lalaking OFW mula sa Lungsod ng Balanga.

Sa kabuuan, 153 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan ang bagong nakarecover ay isang 10 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga, habang ang bilang ng mga active cases ay labing siyam (19) at sampu (10) naman ang pumanaw na. 

Nasa 249 naman ang naghihintay ng resulta ng test; 3,548 ang nagnegatibo na at 82 ang mga bagong natest.

Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 3,979 na po ang natest sa buong Lalawigan ng Bataan. 

Upang hindi na dumami ang kaso ng COVID-19 ay muling nagpaalala ang Gobernador na: “patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.”

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews