Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Bulacan umabot na sa 75

LUNGSOD NG MALOLOS — Umabot na sa 75 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan.

12 sa mga gumaling ay mula sa lungsod ng San Jose del Monte, tig-7 sa lungsod ng Malolos at bayan ng Bulakan, tig-6 sa Baliuag at Marilao, tig-5 sa Bocaue at lungsod ng Meycauayan, tig-4 sa Calumpit at Santa Maria, tig-3 ang mga bayan ng Pandi, Guiguinto at San Rafael, tig-2 ang Angat, Balagtas at Pulilan; at tig-1 ang mga bayan ng Bustos, Hagonoy, Plaridel at San Ildefonso.

Ayon kay Gobernador Daniel R. Fernando, mabuting balita ito lalo na at patuloy na tumataas ang bilang ng mga gumagaling sa lalawigan.

Dagdag pa ni Fernando, patuloy na nagsasagawa ang lalawigan ng mass testing lalo pa at malapit ng matapos ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine. 

Nauna nang nagbigay ang pamahalaang panlalawigan ng mga swab testing kits sa mga nasasakupang lungsod at bayan sa tulong ng Philippine Red Cross o PRC at Department of Health o DOH.

Nagpamahagi ang PRC ng 1,335 swab kits at 1,066 specimen na ang bumalik at naipasa sa kanilang laboratoryo para sa kumpirmasyon habang nakapagbigay naman ang DOH ng 928 swab kits at 611 specimen na ang bumalik at naipasa sa kanilang laboratoryo upang masuri ang resulta.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews