Bokal Teri namahagi ng blessings sa Abucay

Labis na pinasaya ni dating Provincial Board Member Dexter “Teri Onor” Dominguez ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng kanyang mga kababayan sa Abucay, Bataan. 

Ayon sa sikat na komedyante na madalas na mapanood sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network (GMA), paraan aniya niya ito para maibahagi ang mga pagpapalang natanggap niya nitong mga nagdaang taon, lalo na ang katatapos na taong 2019. 

Hulyo 2019, matapos bumaba mula sa kanyang pwesto bilang bokal ay halos hindi nagpahinga sa serbisyo publiko si Bokal Teri. 

Bagkus, ay nakasungkit pa aniya siya ng malalaking pondo para magtayo ng mga school buildings hindi lamang para sa kanyang bayan sa Abucay, kundi maging sa iba pang munisipalidad sa Una at Ikalawang Distrito ng Bataan.

Katuwang sina Bataan Representatives, Geraldine Roman at Joet Garcia, mga kaibigan sa DepEd, at sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso, ay naitayo na ang ilan habang ginagawa pa ang mga gusaling pampaaralan na maituturing na earthquake at typhoon-proof sang-ayon sa standards ng DPWH, may sariling mga palikuran, water system at electric generators. 

Apat na araw na inaliw at pinasaya ni Bokal Teri ang kanyang mga kababayan mula sa iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng mga sikat na entertainers mula sa Metro Manila at mga kaibigan sa Philippine showbiz at pagbibigay ng mga regalong pamasko at tulong sa bawat sektor. 

December 20, 2019 nang ganapin ang “Retro Party” Abucay DepEd Night tampok ang mga Principals, Teachers, Retired Teachers at Non-Teaching Personnel at “Barangay Night” naman nitong Disyembre 21 kasama ang mga Barangay Officials, Secretary, Treasurer, Brgy. Health Workers at mga Barangay Tanod. 




“Kalinga at Pagmamahal Night” naman ang naging handog ni Bokal Teri noong December 27 kung saan dumalo ang mga Senior Citizens, PWDs, KALIPI at Single Parents. At panghuli, ay ang “Gabi ng Pagkakaisa at Malasakit” nitong December 28 na alay naman sa Sangguniang Kabataan Federation of Abucay, Triskelion Municipal Council (ATMC), Abucay Sigma Central Chapter, at AKRHO de Abucay. 

Bago nagtapos ang bawat programa sa mga nabanggit na pagdiriwang ay nag-ulat si Bokal Teri sa kanyang mga kababayan hinggil sa mga naging accomplishments ng LOVE TERI Foundation kabilang na ang pagbibigay ng libreng school service vehicles at ang ipinai-install na paging systems sa bawat barangay lalo na ang mga malalapit sa mga kailugan o coastal areas. 

Masaya ring ibinalita ni Dominguez ang pagbibigay ng libreng birthday cakes para sa mga senior citizens  na magdiriwang ng kanilang kaaarawan. Taong 2010 nung siya ay vice mayor pa ng Abucay nang simulan niya ang nabanggit na proyekto para dito.

Bukod dito ay marami pang sorpresa sa kanyang pagseserbisyo publiko si Bokal Teri sa kanyang mga kababayan sa pagpasok ng taong 2020. 
Si Bokal Teri ay kasalukuyang provincial consultant ni Bataan Governor Abet Garcia. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews