Binisita kamakailan at personal na namahagi ng tulong si Senator Christopher Lawrence “Kuya Bong” Go sa 444 na residente sa bayan ng Obando sa Bulacan partikular na sa mga biktima ng sunog at sa mga tricycle at padyak drivers.
Isinagawa ang aid distribution sa covered stage ng Obando Central School sa JP Rizal St., Barangay Paliwas kung saan personal na hinarap ngbsenador ang 14 na pamilyang nasunugan nito lamang nakaraang Enero 10 sa Barangay Salambao at ang 290 tricycle drivers at 140 badja/ padyak drivers.
“Huwag po kayo mag-alala, kapag dumating na ang bakuna kayong mga mahihirap kasama na ang mga guro ang una namin bibigyan para makabalik na tayo sa normal. Magbayanihan lang po tayo at sumunod sa paalala ng gobyerno at huwag makalimot magdasal sa Panginoon,” ayon kay Go.
Ang mga nasabing beneficiaries ay tumanggap ng pagkain bukod pa ang mga food packs, financial assistance, vitamins, masks at face shields para maproteksyunan ng mga ito kanilang sarili laban sa COVID-19.
Tumanggap din sila ng computer tablets para sa mga anak nitong estudyante at bisikleta para sa mga selected beneficiaries.
Namahagi rin ang senador ng 14 na bangka para sa mga mangingisda mula sa Department of Agriculture (DA).
“Minsan lang po tayo dito sa mundo dadaan kaya naman po kami ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nandito para sa inyo upang tumulong at maglingkod sa inyo,” dagdag ng senador.
Mahigpit naman ipinatupad ang strict compliance sa tagubilin ng gobyerno sa health and safety protocols habang isinasagawa ang relief operation.
Lubos na pinasalamatan at mainit na sinalubong si Go at ang buong team nito nina Congressman Henry Villarica ng 4th District of Bulacan, Mayor Edwin Santos at asawa nitong si Espie, mga kagawad ng municipal council at mga kapitan.
Nagkaloob naman ng bukod na finacial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng sunog.
Habang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa livelihood program package” ang handog ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga gamit o cash para sa pampagawa ng bahay ang kaloob ng National Housing Authority (NHA).
Kasama rin ng senador ang ilang mga government agencies kabilang sina Usec. Aimee Neri ng DSWD, Asec. Flor Amate ng DTI, Asec. Kristine Evangelista ong DA, NHA Representative EJ Clarisades at PCUP Representative Kyla España.
Hinikayat din ni Go ang mga Bulakenyo na i-avail ang tulong medikal mula sa Malasakit Center kung saan mayroong dalawang branch, ang Bulacan Medical Center sa Malolos City at Dr. Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa bayan ng Sta Maria.
May kabuuan nang 98 sangay ang Malasakit Center kabilang ang kabubukas lang sa Casimiro Ynares Memorial Hospital sa Rodriguez, Rizal.