Bong Go pinasinayaan ang Super Health Center sa Guiguinto

Pormal na pinasinayaan sa pangunguna ni Senator Kuya Bong Go ang Super Health Center sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kasama sina 5th District Congressman Ambrosio Cruz Jr at Guiguinto Mayor Paula Agatha Cruz at aktor na si Philip Salvador na ginanap sa Masagana Subdivision, Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. ELOISA SILVERIO

PORMAL na pinasinayaan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go,, chairperson of the Senate Committee on Health and Demography ang bagong konstruksyon ng Super Health Center sa bayan ng Guiguinto, Bulacan sa Masagana Subdivision, Barangay Sta. Rita, Miyerkules (Oktubre 16).

Kasama ng senador sa isinagawang pagpapasinaya sina 5th District Congressman Ambrosio Cruz Jr at Guiguinto Mayor Paula Agatha Cruz at aktor na si Philip Salvador na sinaksihan ng iba pang lokal na opisyal at daan-daang Guiguinteno.

Ayon kay Go, ito na ang ika-10 Super Health Center sa lalawigan ng Bulacan na operational na kung saan ay nakatakda na rin buksan ang SHC sa mga bayan ng San Ildefonso,  San Rafael, Sta. Maria at Obando. 

Ito ay pinondahan ng Department of Health (DOH) na aabot sa P12-milyon kasama na rito ang P10 milyon sa pagpapatayo ng gusali at P2-milyon naman para sa mga kagamitan sa nasabing pasilidad.

“The Super Health Center will serve as a hub for various primary healthcare services, including database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, and ambulatory surgical unit. Other available services are eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; and telemedicine. The centers can also be used as satellite vaccination sites for Filipinos who live far from the urban centers,” wika ni Go.

Ayon pa sa senador, ito ay isang medium type of a polyclinic na inilapit ang serbisyo medikal sa komunidad upang hindi na sila kailangan mag biyahe pa papunta sa malalayong ospital.

“Through the collective efforts of Go, the Department of Health (DOH) and fellow lawmakers, sufficient funds have been allocated for the establishment of more than 600 Super Health Centers nationwide,” dagdag ni Go. 

Sa pamamagitan ng mga SHC ay makakatulong ito para ma-decongest ang ibang mga ospital.

Matapos ang pagpapsinaya ay nagtungo naman ang Team Go sa Guiguinto Municipal Gym upang pangunahan naman ang payout ng Local Government Support Fund (LGSF) para sa mga indigent beneficiaries na tumanggap ng tig-P2,000.

Binanggit din ni Go ang enactment ng RA 11959, kilala bilang Regional Specialty Centers Act na siyang principal sponsor at author sa senado. 

Ito ay ang pagpapatayo ng Regional Specialty Centers sa mga existing DOH regional hospitals. 

Lubos naman ang pasasalamat nina Cong. Cruz at Mayor Cruz sa suporta mula sa senador. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews