Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kasama ang lokal na opisyal ang inagurasyon ng 11th Super Health Center sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Plaridel, Bulacan noong Lunes, (Enero 6).
Sinamahan si Go nina 2nd District Congressman Tina Pancho, Mayor Jocell Vistan, Vice Mayor Lorie Victa at aktor Philip Salvador na sinaksihan ng iba pang lokal na opisyal at barangay officials at miyembro ng Barangay Health Workers (BHW), Lingap Lingkod sa Nayon (LLN), mother leaders.
Ayon kay Go na chairperson ng Senate Committee on Health and Demography na ito ang ika-11 Super Health Center sa lalawigan ng Bulacan na operational mula sa 18 SHC na itatayo sa ibang mga bayan dito kung saan makakatulong ito sa pag-decongest ng ibang mga ospital.
Pinondohan ito ng Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng P12-million kabilang ang P10-million para sa pagpapatayo ng gusali at P2-million para sa equipment ng nasabing pasilidad.
“Ang Super Health Center ay magsisilbing hub para sa iba’t ibang pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pamamahala sa database, out-patient, panganganak, paghihiwalay, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), parmasya, at ambulatory surgical unit. Ang iba pang magagamit na mga serbisyo ay eye, ear, and throat (EENT) service; physical therapy at telemedicine. Ang mga center ay maaari ding gamitin bilang satellite vaccination sites para sa mga Filipino na nakatira malayo sa mga urban centers,” ani Go.
Ayon sa senador, isa itong medium type ng polyclinic na naglalapit sa mga serbisyong medikal sa komunidad para hindi na sila bumiyahe sa malalayong ospital.
“Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, ang Department of Health (DOH) at mga kapwa mambabatas, sapat na pondo ang inilaan para sa pagtatayo ng mahigit 600 Super Health Centers sa buong bansa,” dagdag ni Go.
Matapos ang inagurasyon, pumunta ang Team Go sa Plaridel Municipal Covered Court at pinangunahan naman ang payout ng tulong pinansyal at food packs para sa mga mahihirap na benepisyaryo.