BSP PISO caravan goes to Central Luzon!

Tingnan ang mga schedule ng BSP Piso Caravan sa Central Luzon para sa 4-10 November 2024.

Mayroon ba kayong hawak na marumi (unfit) o sira-sirang (mutilated*) pera?

Pwede mo itong papalitan ng bagong pera sa Piso Caravan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at mga katuwang nitong Currency Exchange Center (CEC) at Currency Exchange Partner (CEP).

Ang pera ay tinuturing na unfit kung ito ay may labis na pagkalukot, kupas ang imprenta, o may mantsa. Mutilated naman ang pera kung ito ay may punit, butas, nginatngat ng hayop, o sira-sira.

Para sa BSP-supervised financial institutions, kooperatiba, o iba pang organisasyon na nais makibahagi sa Piso Caravan Program, makipag-ugnayan lang sa pinakamalapit na BSP regional office o branch sa inyong lugar. Listahan ng BSP regional offices at branches: https://bit.ly/robbsp.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Piso Caravan, bisitahin ang mga sumusunod:

· Ano ang Piso Caravan: https://bit.ly/PisoCaravanVideo

· Mga perang mapapalitan sa BSP Piso Caravan: https://bit.ly/PC-AcceptedMoney

Ano ang mutilated na pera?: https://bit.ly/bspMutilated

Ano ang unfit na pera? https://bit.ly/bspUnfit

*Susuriin ang pera base sa 3S na pamantayan ng BSP:

• Size-may natirang 60% o 3/5 ng kabuuang sukat ng pera

• Signature-may natirang bahagi ng pirma ng alinman sa Presidente ng Pilipinas o Governor ng BSP

• Security Thread-makikita pa rin ang security thread ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews