Bulacan Emergency response teams, handa sa Undas

LUNGSOD NG MALOLOS — Handang-handa na ang buong pwersa ng emergency response teams ng Bulacan upang umalalay sa mga motoristang magbibyahe at mga magtutungo sa mga sementeryo para sa Undas 2017.

Simula ngayong araw hanggang Nobyembre 3, bente kwatro oras na naka-monitor sa mga pangunahing lansangan papunta at palabas ng lalawigan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO– Bulacan Rescue.

Kaugnay din nito, inatasan ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado ang Bulacan Rescue Team na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa Bulacan sa pamamagitan ng City/Municipal DRRMOs nito at iba pang non-government organizations na maglagay ng first aid station at command post sa kanilang mga lugar kaugnay ng mahabang bakasyon.

Kasama rin magbabantay sa lansangan ang mga tauhan ng Provincial Engineers Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at iba pang civic groups.

Kung may emergency, maaring tumawag sa Bulacan Rescue hotline number 791-0566. (CLJD/VFC-PIA 3)Vinson F. Concepcion

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews