Bulacan, ginawaran ng ‘Most Business-Friendly LGU Award’

LUNGSOD NG MALOLOS- Naiuwi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang 2020 Most Business-Friendly Local Government Unit Award (Provincial Level) sa ginanap na pagtatapos ng 46th Philippine Business Conference and Expo sa Ballroom ng Manila Marriott Hotel sa Lungsod ng Pasay nitong Oktubre 7-8, 2020 sa pamamagitan ng virtual conference.

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na nagsisilbing inspirasyon ang nasabing parangal upang higit na magtrabaho para sa mas mainam na ‘bagong normal’ sa mga Bulakenyong mamumuhunan at mamimili.


Ang nasabing parangal ay kumikilala sa mahusay na pamumuno ng lokal na pamahalaan upang mapaunlad ang industriya ng kalakalan, pananagutan sa serbisyo at bukas na pamamahala sa

“Kahit nasa gitna tayo ng pandemya, ako’y naniniwala na mahalagang balansehin natin ang bawat sektor at industriya. Mahalagang maramdaman nating lahat na tayo ay sama-sama sa pag-ahon mula sa krisis na hinaharap ng mundo. Alam ko pong mahirap ang naging kalagayan ng industriyang ito kaya naman nagpapasalamat ako sa inyong pagsisikap at malasakit na maka-adapt sa new normal ‘di lang para sa profit kundi para sa kapwa,” ani Fernando.

Pinarangalan din ang ibang mga Bulakenyo kabilang ang Pamahalaang Bayan ng Guiguinto sa pangunguna ni Mayor Ambrosio Cruz, Jr. na nagwagi ng 2020 Most Business-Friendly LGU Award para sa Municipality Level I, Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pamumuno ni Mayor Ferdinand Estrella na tumanggap ng 2020 Most Business Friendly LGU Award-Special Citation; Bulacan Chamber of Commerce and Industry sa pangunguna ni Bb. Christina Tuzon bilang Most Outstanding Chamber sa Gitnang North Luzon (Province Level 1) at Gng. Gregoria Simbulan, area vice president ng PCCI North Luzon, na tumanggap ng Recognition of Regional Response sa COVID-19 sa Gitnang Luzon.

Samantala, hinangaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisikap na maituloy ang taunang business summit sa gitna ng pandemya.

“Because we believe that life must go on, even with the pandemic adapting technology for progress is really a necessity. I am confident that this two-day event has enabled you to come up with programs and initiatives that will help businesses and companies’ transition into new normal using digital processes and strategies. I hope you continue your pursuits so that together we can build a better Philippines. We might be facing challenges but with people like you helping the government, I am certain we will overcome all these uncertainties,” anang Pangulo.

Bukod dito, inilahad ni Inh. Enunina V. Mangio, tagapangulo ng 46th Philippine Business Conference and Expo, ang mga resolusyon upang matiyak ang pagbangon ng mga negosyo, patuloy na makapagbigay ng empleyo at kabuhayan at mapabilis ang paglipat sa makabagong teknolohiya o digitization ng mga proseso sa pamahalaan bilang produkto ng ginanap na kumperensya.

Gayundin, ibinahagi ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry ang mga makabagong inisyatibo ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.“I’m confident that these initiatives can help our local businesses recover from the economic challenges of the present pandemic as well as make them resilient to future shocks. The diffusion of automation and artificial intelligence technology suggest that multiple industries will experience a profound shift in the importance of capital versus labor, it will not remove jobs but will simply redefine the nature of the jobs that will come or that are already here,” ani Lopez. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews