Muntik nang maaksidente si Bulacan Governor Daniel Fernando nang meron tumusok na turnilyo sa isa sa gulong ng kaniyang bullet proof Toyota Land Cruiser (lead car) at pagkaraan ay nakarinig sila ng tila sumabog kaya’t napilitan siya at ang kaniyang mga bodyguard na huminto habang papunta sa isang event kaninang umaga sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound entry sa Sta Rita, Guiguinto, Bulacan.
Minabuti na lamang ng gobernador na lumipat sa back-up vehicle at ligtas na nakarating bilang guest speaker sa regular Monday flag raising ng Camp Olivas Regional Headquarters sa San Fernando Pampanga.
Ipinaabot naman ni Gob. Fernando sa kaniyang mga kababayan na siya ay ligtas at walang dapat ipag-alala kaugnay sa naturang insidente.