Bulacan LGU’s tulong-tulong sa isinaagawang relief operations sa mga nasalanta ng baha

Hanggang sa ngayon ay patuloy at abala sa isinasagawang relief operations ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado at Bise Gobernador Daniel Fernando kabilang din ang mga Punong Lungsod at Punong Bayan sa mga bayang naapektuhan ng pagbaha kamakailan.

Ang lokal na Pamahalaang Panlalawigan ay nagdeklara ng “State of Calamity” upang matugunan ang pangangailan o ayuda mula sa gobyerno ng mga Bulakenyong nasalanta ng pagbaha sa ilang araw na pag-uulan na sinabayan din ng high tide sa halos buong lalawigan kung saan agad na iniutos ni Alvarado ang pamamahagi ng relief goods.

Sina Vice Gob. Daniel at Former Congresswoman Marivic Alvarado sa pamamagitan ng Kapitolyo Sa Barangay at Damayang Filipino Movement ang personal na bumisita sa mga evacuation center para mabilis na maihatid ang ayuda at suporta sa isinagawang relief operation sa Bulacan


Bulakan Rescue Team with Coun. Piccolo Meneses and MDRRMO Risario Mariano to the rescue

Sa bayan ng Bulakan, Bulacan na siyang kabilang sa mayroong naitalang mataas na pagbaha hanggang leeg ang taas ng tubig partikular na sa Barangay Taliptip ay agad itong pinapuntahan ni Mayor Patrick Meneses para tulungan ang bawat pamilya at kabahayan na ilisan at dalhin sa evacuation center. Si Mayor Patrick din mismo ang sumama sa pamimili ng relief goods.

Mabilis ang naging aksyon ng Municipal Risk Reduction Disaster Management Office at Rescue Team dito sa pangunguna ni Rosario Mariano kasama ang masipag na Municipal Councilor Piccolo Meneses kung saan sila mismo ang sumadya at lumusong sa baha sa mga lugar na naapektuhan at namahagi ng relief goods sa loob ng halos 2 linggo.

Si Bocaue Mayor Joni Villanueva kasama si Konsehal Noriel German at mga tauhan ng munisipyo ay araw-araw ding bumibisita at naghahatid ng relief goods at tulong pinansyal sa mga apektado ng bagyo at mataas na pagbabaha.


Si Sen. Nancy Binay kasama sina Mayor Joni Villanueva at Coun. Noriel German nang lusungin ang baha maihatid lang ang mga relief goods.

Hindi alintana ni Mayor Joni at Konsehal Noriel ang panganib ng tubig baha kung saan nilulusong nila ang hanggang dibdib na baha kung saan kasama pa nito na lumusong sa baha mismong si Senator Nancy Binay sa isinagawang relief operation at relief goods distribution.

Nais ni Mayor Joni na ipadama sa bawat nasalanta ng pagbaha ang importansiya, pagmamahal at kahalagahan ng pamahalaang lokal sa bawat Bocaueno kung kayat sila mismo ang lalapit para maihatid ang kanilang mga pangangailangan sa oras ng peligro.


Cong. Jonathan Sy-Alvarado

Si Congressman Jose Antonio “Kuya Jonathan” Sy-Alvarado ng Unang Distrito naman ay tuloy-tuloy ang walang humpay na pamamahagi ng suporta at relief goods sa kaniyang nasasakupan at mismong bumibisita sa lugar na binaha at nagbabantay upang i-monitor ang araw-araw na pagtaas ng tubig baha.

Lumilibot din si Kuya Jonathan sa pamamagitan ng pagsakay sa bangka sa bawat barangay ng limang bayan ng unang distrito.

Maiinit naman ang pagsalubong ng taumbayan kay Congressman Sherwin Tugna ng CIBAC Party List nang personal niyang ihatid sa mamamayang Bulakenyo ang mga relief goods na kaniyang ipinamahagi partikular na sa una at ikalawang distrito ng Bulacan. Kasama ang buong staff ng CIBAC Partylist ay matiyaga nilang hinarap at kinalma ang mga apektado ng baha upang makarekober sa kanilang sinapit.

Ang mga nabanggit na lokal na opisyal ng Bulacan ay naniniwala na sa pamamagitan ng kapit-bisig na pagtutulungan sa gaya nitong sakuna ay malalagpasan lahat ang pagsubok kapag pinairal ay ang pagpapahalaga at pagsuporta ng walang pag-aalinlangan para sa maayos at matapat na paglilingkod bilang serbisyo publiko.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews