Bulacan, may apat na COVID-19 treatment centers

LUNGSOD NG MALOLOS, Abril 23 (PIA) — Mayroong apat na itinalagang pasilidad ang lalawigan ng Bulacan upang makatulong sa pagsugpo sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases kahapon, iniulat ni Bulacan Chief of Hospital Protacio Badjao na nakahanda na ang tatlong palapag ng Bulacan Medical Center o BMC Extension. 

Inilaan anya ang ikatlong palapag nito may 50 bed capacity para sa moderate, severe at critical COVID positive patient. 12 bed capacity naman ang ikalawang palapag kung saan ang 10 bed ay para sa intensive care unit at dalawa naman para sa dialysis unit.

Magsisilbi naman emergency, x-ray, laboratory at cadaver holding area ang unang palapag.

Inaayos na rin ang 16 classrooms ng College of Social Science and Psychology building ng Bulacan State University o BulSU na magsisilbing pasilidad para sa mga mild cases na kayang maglulan ng 100 pasyente.

Ang Criminal Justice building naman ng BulSU ang magsisilbing kuwarto ng mga health workers.

Samantala, ang Local Governance Building ang pagdadalhan ng mga COVID positive na asymptomatic at recovering na.

Anumang oras ay maari na rin magamit ang MAB building na matatagpuan sa Brgy. San Pablo sa lungsod na may 54-bed capacity.

Maliban sa apat na nabanggit na pasilidad, nagsisilbi rin bilang mga isolation units ang BMC, Baliwag District Hospital, Calumpit District Hospital, Emilio G. Perez District Hospital, Gregorio del Pilar District Hospital, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital, San Miguel District Hospital at ang bagong gawang BMC Emergency Quarantine Facility.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews