Daang-libong trabaho ang ihahatid sa mga Bulakenyo ng nalalapit na konstruksyon ng 400-ektaryang Bulacan Mega City na nakatakdang itayo sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Ang nasabing Bulacan Mega City Economic Zone project ay nakatakdang simulan sa darating na Marso 2019 na siyang magbibigay daan para sa malalaki at kilalang mga Philippine International Outlet Stores, shopping mall, techno hub, factory outlets, industrial factories, warehouses at mga call centers.
Napag-alaman na si former Pandi Mayor Enrico Roque ang siyang inatasan at binigyan awtorisasyon ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado upang magsagawa ng pagkilos at paunang negosayon para sa iisang layunin na tuluyang maisakatuparan ang nasabing multi-billion proyekto sa kooperasyon ng grupo ng Chinese investors.
Ayon kay Roque, ang mga Chinese investors mula sa Hunan, Province of China ay handang maglaan ng P50 billion pondo para sa proyektong ito na iatatayo sa lalawigan ng Bulacan.
Ang proyekto rin ito ay nagresulta ng sisterhood sa pagitan ng dalawang probinsiya na kung saan ay nagkaroon ng signing nitong nakaraang Oktubre 2018.
Magugunita na nagkaroon ng Signing Ceremony of Letter of Intent on the Establishment of the Friendship Relationships sa pagitan ng Hunan Province, People’s Republic of China and Bulacan Province, Philippines sa pangunguna nina Governor Alvarado, Vice Governor Daniel Fernando at si Governor Xu Dazhe ng Hunan Province sa Sofitel Hotel sa Pasay
Ayon kay Roque, ang plano para sa Mega City projectay kinabibilangan din ng Pandi Exit sa North Luzon Expressway (NLEX) na 90-m to Pandi; 150-m to Balagtas- 220 m to Bocaue; 16-km to Angat, at 15-km to Bustos na kung saan ay halos 90 percent nang kumpleto.
Sa nasabing groundbreaking ceremony sa darating na buwan ng Marso ay susuportahan at dadaluhan ito ng mga kilalang commercial investors gaya ng Sta. Lucia Group of Companies, SM at St. Lukes na maghahatid ng 100,000 job opportunities sa mga Bulakenyos, dagdag pa ni Roque.
Ito naisakatuparan dahil sa inisyatibo ng Bulacan Economic Team sa pangunguna ni Roque kasama sina Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan at dati ring alkalde Rey San Pedro ng Lungsod ng San Jose Del Monte.