Ang Provincial Government of Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) ay pinangunahan ang mga local officials dito para ipagdiwang ang National Flag Day at National Heritage Month sa isang joint program na isinagawa sa Bulacan Sentrong Pangkultura, Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound nitong Sabado, May 28, 2022.
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng flag raising ceremony at wreath laying activity sa monumento ni Gat Marcelo H. del Pilar sa harap ng kapitolyo na pinangunahan ni reelected Governor Daniel Fernando at Vice Gov-elect Alex Castro kasama sina Provincial Administrator Anne Evangelista at PHACTO head Dr. Eliseo Dela Cruz.
Sinundan ito ng ribbon cutting ceremony sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center para sa pagdiriwang naman ng ika-50th Anniversary exhibit.
Sa Nicanor Abelardo Auditorium ay isang short audio video presentation ng SINEliksik Bulacan Docu Special: “Ako ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center” ang ipinalabas at pinanood ng mga dumalo.
Parte ng event ay ang paglulunsad ng “Pasyal Kultura sa Bulacan” Web Magazine at SHINE Bulacan Web Magazine sa pangunguna ni Dr. Sylvia Joaquin, vice chairman of SHINE Bulacan project kung saan itinampok ang mga cultural treasuries ng Bulacan, kontrinusyon ng mga national artists mula sa Bulacan, ‘Kundiman’ song artists Nicanor Abelardo at Francisco Santiago.
“Dapat ay mapanatili, ipamana at ipamulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng mga kasaysayan at kultura ng Bulacan at ng buong bansa,” ayon kay Fernando.
Ibinahagi rin ng gobernador kung paano siya nagsimula sa pag-arte nang sumali siya sa workshop acting na dito rin sa nasabing auditorium ginanap bilang stage actor sa Dulaan Kabataan Workshop at Barasoain Kalinangan Workshop bago siya nadiskubre ni award winning movie-television director Peque Gallaga kung saan ang unang movie appearance nito na pinagbidahan ay ang “Scorpio Nights” taong 1985.