Nakipagkita nitong nakaraang Huwebes sina Bulacan Governor Daniel R. Fernando at Pandi Mayor Enrico Roque kasama ang 33 pang delegado mula sa pamahalaang lokal ng lalawigan kay Governor Xu Dazhe ng Hunan Province ng People’s Republic of China upang pormal nang isara ang kasunduang 50-billion investment na itatayo sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Mayor Roque, head ng Bulacan Economic Team, ang pagdalo ng mga Bulacan officials sa naturang 3-day meeting ay upang i-formalize ang napagkasunduan sa pagitan ng Bulacan Province at Hunan Province kung saan maglalaan ang mga Chinese investors ng 50-billion investment sa tatlong bayan sa Bulacan.
Ayon kay Mayor Roque, head ng Bulacan Economic Team, ang pagdalo ng mga Bulacan officials sa naturang 3-day meeting ay upang i-formalize ang napagkasunduan sa pagitan ng Bulacan Province at Hunan Province kung saan maglalaan ang mga Chinese investors ng 50-billion investment sa tatlong bayan sa Bulacan.
Nitong Huwebes ay isinagawa ang 3-day meeting with Hunan government officials kung saan unang isinagawa ang Sisterhood Ceremony sa pagitan ng Pandi government at Loudi government ng China kasunod ng pakikipagpulong ni Fernando sa gobernador din ng Hunan province upang isara ang multi-million project.
“Ito ay tatawaging Bulacan Mega City,ang soon-to-rise 400-hectares project na itatayo sa tatlong bayan sa Bulacan kabilang ang Pandi, Balagtas at Bocaue,” ayon kay Roque.
Sinabi ni Fernando na ang nasabing proyekto ay maghahatid ng 100,000 trabaho para sa mga Bulakenyos kung saan kabilang sa mga commercial na itatayo ay mga Philippine International Outlet Stores, shopping mall, techno hub, factory outlets, industrial factories, warehouse, call centers at marami pang iba.
Ito ay bahagi ng “The People’s Agenda 10” program ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Vibrant Entrepreneuship and Jobs para sa bawat Bulakenyo na siya ring maghahatid ng mataas na antas ng progreso ng lalawigan, ayon sa gobernador.
Ang nasabing proyektong itatayo ay maihahalintulad sa Rome/Italian Inspired Stop Over na tatawaging Bulacan Mega City Pandi Economic Zone na popondohan ng mga Chinese Investors.Ang nasabing future venture ay naisakatuparan mula sa inisyatibo ng Bulacan Economic Team sa pangunguna ni Pandi Mayor Roque kasama sina Vice Mayor Patrick Meneses ng Bulakan at dating Punong Lungsod ng San Jose Del Monte Mayor Rey San Pedro.
Inaasahang sa pagbalik sa bansa nila Fernando at Roque ay pormal nang naselyuhan ang pinakaaabangang proyekto sa lalawigan ng Bulacan na inaasahang masisimulan sa unang bahagi ng taong 2020.