Bulacan piggery farmers tumanggap ng 3,105 piglets at feeds

INILUNSAD ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Bulacan Provincial Government ang “Babay ASF Bulacan Swine Sentinel Program” ng Department of Agriculture (DA) kung saan tatanggap ng mga biik at feeds ang selected backyard farmers sa naturang programa.

Nasa kabuuang 3,105 na mga biik ang ipinamahagi ng provincial government ng Bulacan sa mga backyard piggery farmers sa lalawigan kung saan pinangunahan nina Gobernador Daniel Fernando at Bise-Gob. Alex Castro kasama ang Provincial Agriculture Office (PAO) sa pamumuno ni Gigi Carilio at DA-Region 3 representatives ang distribution of piglets kung saan itinakda ang pamamahagi mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 4, 2022 para sa mga selected backyard pigerry farmers sa buong probinsiya.

Una na nang isinagawa ang pamamahagi nitong nakaraang Lunes sa Capitol Gym para sa ikalawang batch sa taong 2022 sa 158 recipients buhat sa bayan ng Calumpit, Pulilan, Paombong at Malolos City at nitong Miyerkules para sa 86 recipients mula sa Bocaue, Marilao, Obando at Meycauayan City at susundan sa mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Baliuag, Plaridel, Guiguinto, Balagtas, Bulakan, Pandi at Bustos sa Setyembre 13, 15, 20, 22, 27 at Oktubre 4.

Nabatid na ang programa ay bahagi ng DA’s INSPIRE Program o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion.

Ayon kay Fernando, layunin ng “Babay ASF” Ang matulungan ang mga magbababoy na makabalik ng ligtas ang kanilang hanapbuhay kung saan magkakaroon ng Bantay ASF sa Barangay Program na tututok sa mga backyard piggery farms sa komunidad para makontrol ang African Swine Fever (ASF).

Sabi ni PAO chief Carilio, ang 1,035 selected piggery farmers Buhat sa 18 bayan sa Bulacan ay tatanggap ng tig-tatlong biik at 9 sako ng feeds bilang panimula sa kanilang negosyo.

Isinagawa ang unang batch ng distribution noong Disyembre 2021 kung saan 300 recipients ang nakinabang sa nasabing programa mula sa 5 munisipalidad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews