Bulacan Police handa na sa ‘Balik Eskwela 2022’

CAMP General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan- NASA kabuuang 297 police personnel kabilang ang Covid-19 patrollers ang nakatakdang i-deploy ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad gayundin sa mga areas of convergence at ibang mga vital facilities bilang paghahanda sa nalalapit na “Ligtas Balik Eskwela” sa darating na Lunes, August 22, 2022.

Ito ang inanunsyo ni Bulacan PNP OIC provincial director PLt Col Jacqueline Puapo nitong Biyernes.

“In response to the requirements and inquiries relevant to the opening of schools, the Bulacan PPO created Police Assistance Desks (PADs), in the nearby school vicinity,” ayon kay Puapo.Nabatid na nakapag-produce na ang Bulacan ng mga flyers, brochures, at ibang mga Information, Education and Communication (IEC) materials para sa “Ligtas Balik Eskwela 2022” at naipamahagi sa lahat ng province’s educational institutions. Ang pagpapakalat ng mga police personnel ay maghahatid ng seguridad at traffic management at pagpapatupad ng basic public health requirements ang siyang nais gawing episiyente ng Bulacan PPO.Dahil dito, ang mga kapulisan ay mas magiging visible at ang kanilang presensiya ay paiigtingin at magpapahintulot sa kanila na harapin ang  , ano mang mga potential issues at mga concerns.Sisiguruhin din nito ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guardians, at mga guro partikular na sa bisinidad ng paaralan at kokontrol sa ano mang potential crimes na maaring mangyari.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews