Mahigit sa isang libong mga estudyante mula sa Bulacan State University (BulSU) at iba pang mga kolehiyong paaralan sa lalawigan ng Bulacan ang nakilahok sa paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Kabataan Bagani, Bagong Bayani (KBBB) program ng kapulisan na isinagawa sa Hiyas ng Bulacan Pavillion and Convention Center sa Lungsod ng Malolos nitong nakaraang Sabado.
Ang nasabing programa ay dinaluhan at sinaksihan nina Assistant Regional Director Agnes Tonanes ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA3); Dr. Teody San Andres, Vice President of Bulacan State University (BulSU); Julie Lucero of PDEA Bulacan; Marvin Tulyao, Director, NSTP BSU at Atty. P/Lt. Col. Ariel Alvarado, Provincial Legal Offices, Bulacan PPO.
Ito ay dinaluhan ng mga estudyante ng BulSU, Bulacan Polytechnic College (BPC) at iba pang mga college schools mula sa buong lalawigan Bulacan.
Ayon kay P/Col. Chito G. Bersaluna, Bulacan Provincial Director, layunin nito na iorganisa, sanayin at ipaunawa sa mga student sectors ang kahalagahan nito bilang advocacy support groups na kokontra laban sa droga at terorisma sa pamamagitan ng mga ibat-ibang advocacy programs ng kapulisan.
“You can expect that the Philippine National Police continue to support the opposition of our administration, the fight against illegal drugs and terrorism, we are always with you and our partners and we are also expecting your youth to fulfill your duty as a person educate and serve as a voice for promoting knowledge of adverse effects and combating illegal drugs,” ani Bersaluna.
Kabilang sa programa ay ang Ceremonial Wearing ng T-shirt, Mass Recitation ng “10 Utos Ng Mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo; kasabay ng pledge and signing of commitment.