Upang matiyak na ang mga Bulakenyo partikular na ang mga public consumers ay ligtas sa pagdiriwang ng paghihiwalay ng taon ay nagsagawa ng surprise inspection ang mga kinauukulan sa sa mga fireworks stalls sa kahabaan ng Manila North Road o ang dating Mac Arthur Highway sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan nitong Lunes ng umaga para maiwasan ang ano mang pyrotechnic-related accidents.
Ang pagbisita sa mga fireworks stalls ay pinangunahan ni Governor Daniel Fernando kasama ang buong team Pyrotechnic Regulatory Board (PRB) kasama sina Engr. Celso C. Cruz, president ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association (PPMDAI) at Bulacan Police acting director PCol. Manuel Lukban Jr..
Ang lalawigan ng Bulacan partikular na ang bayan ng Bocaue ay tinaguriang “Pyrotechnics Capital of the Philippines”.
Tiniyak ni Fernando na ang mga firecrackers at pyrotechnic devices’ manufacturers, dealers and retailers sa probinsiya ay sumusunod sa tagubilin o Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte – Providing for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and Pyrotechnic Devices na nagsasaad na ang paggamit ng fireworks at iba pang related products ay “not totally banned” pero mayroong pagkontrol sa paggamit nito para maiwasan ang aksidente.
Base sa datos, nasa 82 licensed dealers of firecrackers and fireworks mayroon sa lalawigan at 20 licensed manufacturers ang pinapayagang magbenta ng nasabing produkto. Siyam naman ang mga manufcturers na mayroong taglay na Philippine Standard Mark License.
Ilan sa mga ininspeksyon ay ang Night Light Fireworks, 878 Fireworks at RT Sayo Fireworks na matatagpuan sa Governor F. Halili Avenue, Barangay Turo sa Bocaue.
Ayon kay Engr. Cruz, ang mga paputok na overweight at oversized at lagpas sa 1.3 teaspoon o mahigit sa 0.2 grams ng net explosive ingredients ay ipinagbabawal na gamitin o magbenta dahil delikado rin umano ito sa kalusugan. Kabilang sa mga bawal na paputok ay ang Piccolo, Super Lolo, Whistle Bomb, Goodbye Earth, Judas Belt at Watusi.
Ayon pa sa gobernador, kahit pinapayagan ang paggamit ng ilang mga firecrackers at fireworks ay patuloy nitong pinapaalalahanan ang mga Bulakenyo sa pag-organisa ng mga kaganapan na maaaring makahikayat ng mga tao ay hindi pinapahintulutan dahil sa umiiral pa ring pandemiya.
Paalala rin ni Fernando ang dobleng pag-iingat sa paggamit ng paputok at kailangan din na ang mga nagbebenta ay sumusunod sa mga alituntunin ng batas.
“Tradisyon natin na ang pamilya ay sama-sama sa pagdiriwang. Ipinapakiusap na lang natin na wag silang gumamit ng mga bawal na paputok para hindi na makadisgrasya. Narito rin tayo ngayon para bantayan ang mga nagtitinda at siguraduhin na walang mga ipinagbabawal na mga paputok rito. Dagdagan po natin ang ating pag-iingat dahil bukod sa aksidenteng maidudulot nito, may COVID pa tayo,” ayon kay Fernando.
Sa isinagawang inspeksyon, ipinatutupad din ang “No Testing and No Smoking” policy sa mga stall areas kung saan obligado rin na maglagay ng mga malalaking container o mga bariles na puno ng tubig para sa precautionary measures.
Bukod dito, ang mga nagtitinda ng paputok ay dapat sumusunod sa IATF regulations sa social distancing at ang safety health protocols ay pinairal habang isinasagawa ang inspection.
Ayon kay Joven Ong ng Philippine Pyrotechnics Association, inaasahan ang pagkakaroon ng fireworks shortage ngayongtaon o bago mag Disyembre 31 dahil sa lakas ng demand ng mga consumers kung saan maliit na volume naman ang produksyon dahil sa umiiral na pandemiya.