Iniaabot ni Bulacan Governor Daiel Fernando ang dalawang tseke, P500,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at P169,285 na nakolekta mula sa donation drive na “Tulong Bulakenyo para sa Nasalanta ng Bagyo”, kay Neil Sanchez Del Valle, Local Revenue Collection Officer I mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes, bilang tulong sa kanilang lalawigan na lubos na naapektuhan ng Bagyong Rolly noong nakaraang taon.
Maliban sa pera, nagbigay rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng 1,300 packs ng relief goods na naglalaman bawat isa ng apat na kilo ng bigas, limang iba’t ibang de lata, at apat na iba’t ibang produkto tulad ng noodles, cereals at kape; 11 sako ng 25 kilong bigas; 149 sako ng 10 kilong bigas; at anim na sako ng 5 kilong bigas kamakailan sa Official Residence, Lungsod ng Malolos, Bulacan. (Larawan mula kay ERICK SILVERIO)