Bulacan youth hinikayat i-promote sa “tik-tok” ang paggamit ng facemask at face shield

Hinikayat ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga “Tik-Tok” users partikular na ang mga kabataang Bulakenyo na i-promote sa pamamagitan nito ang panawagan ng gobyerno sa implementasyon ng health standard protocols partikular na ang pagsuot ng facemask at face shield.

Sa bahagi ng kaniyang mensahe sa ginanap na Bulacan Polytechnic College-Campus Tour ng provincial government’s Tulong Pang Edukasyon sa Bulakenyo Scolarship Program na ginanap nitong Martes sa BPC-Pandi, Bulacan,  sinabi ng gobernador na simula nang magpandemiya ay karamihan sa mga kabataan ngayon ay libang na libang sa pagti-Tik-Tok na siyang kinawiwilihan ng maraming netizens viewers sa mga social media.

Kaya naman panawagan ni Fernando sa mga estudyante ng BPC-Pandi ay gumawa ang mga ito ng encouragement sa mga netizens hinggil sa pagsunod sa health standard protocols gaya ng paggamit ng facemask at face shield.

Aniya, sa pamamagitan nito ay makakatulong pa ang mga kabataan o ang mga “Tik-Tok” user sa gobyerno para sapagpapatupad ng mga alituntuning ipinatutupad ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions.

“Tayo ay nahaharap sa global health crisis kaya naniniwala ako na malaki ang magiging partisipasyon ninyong mga kabataan (school youths) para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease (Covid-19) sa bansa, kaya naman huwag ninyo sayangin ang oras niyo sa pag-Tik-Tok na walang saysay.. gawin niyo yan ng may kabuluhan,” Fernando said.

Hinikayat din ng gobernador ang mga ito na magsagawa ng backyard farming sa kanilang mga bakuran dahil sa panahon ng pandemiya umano ay very essential ang mga gulay at iba pang mga kapaki-pakinabang tulad ng livestock production.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews